Friday, May 19, 2006

NCM 100

WRITTEN REPORT


JAYSON: Well good afternoon to all who are listening to this cassette tape. Today is April 20, 2006 and now we are here at the Senate of the Philippines to interview a nurse, Ms. Mutoc.

JAYSON: When did you start to work as a nurse?

MS.MUTOC: Upon graduation, since 1980, I started right away working at De Ocampo Memorial Hospital as a Operating Room Nurse, Operating Delivery Room Nurse.

JAYSON: Why did you decide to work here in the hospital?

MS.MUTOC: Because working in the hospital will make you apply what you have learned in the school right away kasi yung practice makes you fulfill yung mga napagaralan mo sa school. So application right away is very important.

JAYSON: What qualities or characteristics should a good nurse possess?

MS.MUTOC: Number one, you should be hardworking for me that’s my opinion. Number two, you really had to loved to serve the sick there should be compassion on it and dedication, that’s it; that’s number three na siguro, lastly to earn a living ofcourse every one of us should graduate with dreams to earn a living for you know for survival practical reasons.

ANGELICA: What are your roles and specific function as a nurse?

MS.MUTOC: As a nurse, because I was assign then in the operating room but at first I was just regular operating delivery room nurse but as years goes by I become a operating delivery room supervisor. Function you mean to say? Anong gusto niyong iano dito function as operating delivery room nurse? In the operating delivery room or theater, dalawa ang function ng nurse dun specifically, one is acting as scrub nurse meaning to say as a scrub nurse you directly assist the surgeon. You are responsible for the drapping preparation of the drapes to be use on the operation. So you have to for see what are the drapes and instrument needed in the surgery and then pag ano ka naman circulating nurse naman yun yung responsible for the needs of the surgeon and assistance kasi pag naka scrub na yung nurse di ka na pwedeng mag-unsterile kasi sterile ka na so merong responsible who is roaming around the theater or roaming around the operating room to cater for your needs to cater for the needs of your surgeon and for the assistance halimbawa the instruments and the supplies needed sa operation yung circulating nurse ang responsible dun at importante din yung mga legalities like yung instrument count, sponge count before closing the peritoneum kasi pagnaiwan sa loob ng abdomen yun mawawalan kami ng lisensya, mawawalan tayo ng lisensya. So hindi lang ganong kadali ang maging nurse. Merong mga responsibilities kaya nga kung minsan pag-uwi mo sa bahay dala-dala mo yung mga, may naiwan ba?, may tama ba?, may mali ba ako? So you role back and it does’t stop there sa theater kahit minsan pag-uwi mo dala-dala mo yun. Ano pa question nyo? Am I answering your question?

GROUP: Yes, Ma’am.

ANGELICA: Are there any difficulties encountered in this kind of job?

MS.MUTOC: Yun na nga as i’ve said yung role mo na kasi as a nurse mas gusto mo na mas maging efficient ka pa at responsible. You want to feel na nakakatulong ka talaga sa team na you are working to be a member of the team, na lahat ng trabaho mo ay maayos kasi pag operating room nurse ka one advice I can give you, you must know how to anticipate, you should know the needs of your surgeon halimbawa meron tayong abdominal surgery ang unang gagawin ay to cut the skin, the first layer of the abdomen is the skin so syempre ang una mong iaabot dunsyempre you should know na bago mag opera..... naexpose na ba kayo sa operating room?

GROUP: Hindi pa po!!

MS.MUTOC: Ah, maeexpose din kayo dyan... syempre pag nadrape na yun... naclean na yung area na dapat ooperahin ng iyong nuse, circulating nurse idredrape na yun... ang ieexpose lang na area yung ooperahin kung yung laparotomy yun lang ang makikita nyo nakadrape yun ng sterile linen then.. after that pagnadrape na namin syempre andun na yung surgeon mo tapos ikaw ang assiastant niya the first thing or the first instrument that you should hand is the knife, syempre pagkahiwa magdudugo, the second kahit hindi nagsasalita ang surgeon ganyan lang ng ganyan, may mga supladong surgeon hinahagis sa iyo ang instrument paghindi mo alam. Kaya pag ano pagnahiwa na ng knife syempre you should anticipate, ano kaya ang susunod? Mosquito kc magblebleed na siya.... abot ka lang ng abot... mayroong technique yan, pagganyan ng kamay ng surgeon mo iaabot mo lang saka ang instrument may style ng pagabot hindi yan ganyan, hindi ganito, ganyan ang style nyan... meron motion... so kahit nakatingin lang yan dun sa, he or she is very concentrated dun sa area na ginagawa niya, kaya ikaw na ang bahalang mag-anticipate ng susunod niyang kailangan...yun ang isang pinaka-importante sa isang operating room nurse... you should know how to anticipate... you doubt your surgeon telling you what to hand him or her kapag nagbleed knife kapag nagbleed.. para magstop yung bleeding is the mosquito then after that padeep na ng padeep ang area ng operation hanggang sa pumunta na dun sa infected organ. So yun ang numbed one na, what’s the question?

GROUP: Difficulty?

MS.MUTOC: Magiging difficulty kapag hindi ka marunong magadopt.. you shoud be adoptable and you should understand what’s going on... presence of mind is always there... pagkahalimbawa masakit ang ulo mo huwag ka na lang mag-assist kasi baka masigawan ka lang kasi ang surgeon pagmali-mali ang hinahand mo iinit ang ulo niyan kasi magkakaproblema ang operasyon pati ikaw apektado... ganon... you should understand whats going on... bago magsurgery you should review kung ano ba talaga ang gagawin... anong organ ba ang apektado... saka bago maexpose sa operating room alam mo dapat ang layers ng abdomen... so yung knowledge, understanding, anticipation should be there.

APRIL: Ma’am what are your fulfillment as a responsible nurse?

MS.MUTOC: In the sense na I have gone out of the country even for two years kahit diyan lang sa Middle East... Kasi as a nurse para sa akin paghindi ka nakalabas there’s no sense of fulfillment.

APRIL: What was your experience as a nurse that you will never forget for the rest of your life?

MS.MUTOC: Yes thats very good question. You know why sa abroad... dun sa Riyadh marami kaming nationality na mga nurse dun... ang gusto ng mga surgeon namin pilipina.... kasi puro kami babae halos lahat dun walang mga lalake noon... alam niyo ang mga kasama ko... may Korean... British... Pakistani... Saudinian... Egyptian... meron ding Bangladeshi... but ang pinaka-love nila... I’m proud to say I’m very proud to say ang gusto nila pilipina kasi madali daw tayong matuto... saka sa dialect nila... we can pronounce all the letters of the alphabet kasi yung kasamahan ko doon yung Koreans... yung ibang lahi meron silang letters doon na hindi nila mabigkas unlike us Filipino kaya natin lahat ng letters sa alphabet ibigkas kasi sila minsan hindi maintindihan... saka ang reason nila dun madali daw tayong mag-adopt sa trabaho saka masipag ako willing to go overtime or a night shift kc may home differentiale kaysa mahomesick ako... saka maganda ang night shift kasi emergency cases ang haharapin mo doon... di katulad sa daytime, sa daytime so sa night talagang emergency ang papasok sa iyo... unforgettable kasi I’m very proud to be a Filipino there kasi talagang yung mabibigat na surgery yung hindi simple hinahanap ng mga surgeon namin lalo na mga suplado.. yung mga British... gusto nila pilipina nurses... tawag kasi dun hindi nurses kundi sister... saka ang tawag sa OR doon theater... saka pagspecial area gustong gusto nila mga pilipina kasi nga masipag daw tayo madali tayong mag-adopt sa kanilang environment.

CRISELDA: Our there any seminars you have attended and what are those?

MS.MUTOC: Actually napakadami na kasi bago magrenew ng license. I tell you kayo pagnaging license nurse na kayo... you have to renew it every three years. Nakakita na ba kayo ng license ng nurse?

GROUP: Hindi pa po!!!

MS.MUTOC: Gusto niyo makakita?

GROUP: Yes Ma’am!!!

MS.MUTOC: So ito is every three years ata irerenew saka kasi bago makapagrenew you have to take a seminars para ma-update kayo hindi pwede yung “ay, nakalisensya na ko onetime” pero merong bill ngayon na ipinasa na hindi na daw kailangang magseminar... but for me kahit na ganon gusto ko pa rin narerefresh ng konti kasi pagtumatanda ka na syempre gusto mo naman ng konti huwag mangalawang... ito ganito.. magkakaroon din kayo ng ganito... oo kayang kaya niyo yan... o sige ano pa ang question?

CRISELDA: What are the most relevant information you have acquire from those seminars?

MS.MUTOC: The most relevant information kasi nga ang area ko that time sa Operating Delivery Room so yung mga information or knowledge I have... ano ba?... kasi actually refresher course lang kasi nakuha na natin yun during our college days... you just have readily have to update para nga hindi naman mangalawang. Ako kung mataas taas lang ang sweldo sa hospital I prefere working in a hospital rather than here kasi nung nagkaroon na ako ng anak at pamilya. Ang hospital kasi parang security guard hindi ka makakaalis kung wala kang relievers minsan nangyari sa buhay ko tatlong araw ako sa hospital kasi wala akong relievers... yung gamit ko laba’t suot lang laba tapos susuot ko ulit hindi ako nahihiya sa mga boys pero ganon talaga ang nurse kasi hindi mo pwedeng iwanan ang hospital o ang area mo ng wala kang relievers... so ang description ko dun ay security guard... merong araw ng pasko nandun ako... holy week ang pamilya ko nasa bahay ako lang ang wala... yung mga anak ko hindi ko naalagaan... I have to be at work yun ang trabahong pinasok ko so paninindigan mo yun... so yun din ang difficulties din na haharapin ng isang nurse... kahit anong oras pagkailangan ka dapat nandun ka... yung Edsa Revolution nandun ako sa may Nagtahan Bridge ang daming mga pasyente na nabato... maraming duguan kasi nasa Nagtahan Bridge ang De Ocampo kaya lahat ng ano dun sa Malacanang sa amin dinadala... yun yung mga araw na hindi ako nakauwi na tawag lang ng tawag ang husband ko hindi ako makauwi kasi wala akong reliever kasi wala na rin makapasok... so I have to stay I have no choice to serve yun lang masaya na ako kasi paggumaling ang pasyente iba ang pakiramdam hindi nababayaran ng pera kahit maliit lang ang sweldo ko dinadasal ko palagi before work... ako kasi bago magstart ng work nagdadasal ako na sana lahat ng pasyente ko dumaan sa kamay na ko na hindi mamatay kaya nung college ako hindi ako nakapag-postmortem care kaya lang ako hindi ko naranasan kasi nga walang namatay sa kamay ko that time wala... kasi yung fulfillment ko kasi yun ang dinadasal ko na sana walang mamatay sa kamay ko.

REGGIE: Sino po ba o ano ang nag-inspire sa inyo para maging nurse?

MS.MUTOC: Ah kasi ang mommy ko hindi siya nurse pero nakikita ko siya ang nag-iinjection sa lolo ko. May sakit kasi ang lolo ko nung araw pero nakikita ko si mommy na hindi siya nurse kasi tinuturuan siya nung nurse dun sa ano how to inject, how to enema parang nainspire ako parang gusto ko rin yung ginagawa ni mommy pero gusto ko nakaputi ako. From that time sinabi ko sa mommy ko “mommy gusto ko maging nurse” so ayun na parang naging inspiration ko na... na ang ganda-ganda ng ginagawa ng mommy ko... nagiinject siya... nageenema siya... nagbbp siya pero hindi siya nurse marunong siya tinuruan siya nung nurse sa health center.

REGGIE: Pagkatapos niyo po bang maka-graduate nagtake po ba kayo ng mga special skills... halimbawa po M.A?

MS.MUTOC: Hindi nagabroad na kaagad ako inspite the fact na ayaw ng husband ko... kasi nga that time ang lakas ng turn over sa hospital... one year or two nakaalis na ako kaya sabi ko para namang wala akong kwentang nurse kung maiiwan ako dito hindi ako makakaalis... kaya sabi ko sa husband ko payagan mo lang ako kahit isang taon lang patunayan ko lang sa sarili ko na kaya ko ding lumabas katulad nila... so nakalabas naman ako... so actually yung may-ari ng hospital pinagmamasteral ako para magturo doon hindi na ako nakapag antay umalis na lang ako.

REGGIE: May balak po kayong umalis ng bansa?

MS.MUTOC: Sana kaya lang nagkaanak na... kaya kayo inaadvice ko huwag muna kayo mag-aasawa kasi matatli na kayo katulad ko... gusto ko lang pumunta sa ibang bansa... yung mga kasamahan ko nasa states na from Riyadh nagback door sila sa Egypt... from Egypt to states... inaaya nila ako kaya lang hindi nila ako nahila dahil naging hindrance yung anak ko saka yung husband ko binalikan ko sila.

JENNY: During the time you were studying, what are your future plans?

MS.MUTOC: May future plans... napaka-simple lang gusto ko lang talagang matapos ng kurso wala akong planong magpunta ng abroad basta gusto ko lang masabi na si There nakatapos.

JENNY: From these plans you have stated, what are those you have achieved? Yun nga po nakatapos kayo?

MS.MUTOC: Uhm... oo... nagabroad ako ng hindi ako nagrereview center kasi sabi ko wala kaming pera noon so I have to do it myself... hindi ako umatend ng review pero awa ng diyos nakapasa ako... nagreview lang ako sa National Library ang ginagawa ko habang nagrereview yung mga klasmeyt ko sa Manila Doctors... ako naman nagrereview sa National Library... aalis ako sa bahay hindi nila alam sa bahay na nagrereview ako kasi sabi ko pagbumagsak ako atleast hindi nila alam... hindi nila ako kakatyawan na “ay, bumagsak ka ganon”... kaya ang ginawa ko sinarili ko nagreview ako ng sarili ko... alis ako sa bahay ng 8 uwi din ako ng 5 o’clock... ginugol ko na lang sa sarili kong magreview mag-isa.

JELA: What challenges you have encountered in this profession?

MS.MUTOC: Challenges kasi alam mo ang tao may iba’t ibang ugali... I have met people from all walks of life... May mayayaman na like for example sa Manila Doctors naconfine diyan si late President Macapagal as a student nakapasok din ako sa kwarto niya... and then darating din kayo sa area na you will be expose sa public health nursing... wala pa ba kayo dun? Dun naman kayo maeexpose sa mga pinakamahihirap... yung mababaho... kaya diyan I advice you not to be maselan... very sensitive ang mga tao na nandiyan...so pag-inooffer kayo na uminom sa coffee glass na marumi kunyari iinom kayo pero huwag niyong sisimangutan kasi lalo silang madedemoralized lalo nilang nadodown ang pagkatao nila... kaya ang nursing is an exposure to people of all walks of life... from mataas na tao hanggang mababa dun sa public health nursing dun sa squatter na ang bubong nila ay lata ng biscuit naassign ako dun yun yung pamilya na naalagaan ko na dumating yung point na pati baon ko naibibigay ko kasi naaawa ako kasi yung mga anak walang kinakain... tapos irresponsible parents na nagtotong-its while there children collecting basura nagtutulak ng kariton so yoon... kayo maeexpose din kayo doon.

JELA: What did you do to overcome those challenges?

MS.MUTOC: First of all kasi my mom is a very religious woman... so ang natutunan ko sa kanya lahat ng gagawin mo anak start it with a prayer you offer it all... at bahala siya sa iyo... so bago ako maexpose sa area o sa trabaho nagdadasal ako... kaya until now yun ang practice ko kasi kayong mga nurses you will never kno kelan mawawala ang lisensya mo... simple injection that you commit a mistake you will lose your license... yun lang pagaaralan niyo yung right patient, right dose of medicines, right route, right time.... ganyan-ganito yung injection mo lang pagnagkamali kayo may maparalyse kayong patient mahit niyo yung nerve at you go you have no more license... you cannot practice anymore... so during students matatackle ninyo yun so yung ang kahalagahan ng lisensya natin... isang mali mo lang... meron akong isang staff na nalaman alam nio siguro yuns suppository? Alam mo yung isang staff bago pa lang siya so suppose to be ilalagay sa anus pinainom niya... yung mga ganon paghindi sigurado okey lang na sabihin wala kang alam so to be sure na hindi ka makacommit ng mistake... kasi we are dealing with lifes hindi katulad ng mga engineer at ng ibang profession papel lang hinahawakan o plano o anything tayo kasi tao. Naterminate yung staff na yon binigyan siya ng kaso... saka yung nagaassist minsan sa surgery, sponge count naiwan mo yung sponge ang nurse liable din pati yung surgeon kasama kasi sa demanda... ganong kadelicate ang nagiging trabaho natin kaya lahat talaga... kung wala ka sa sarili mo huwag ka na lang muna mag-assist kasi baka magkamali ka... pati yung computation sa mga gamot you have to be very careful about that kasi sa operating room din naman na trained din naman kami mag-IV... pagkulang ang doctor yunn ang masayang masaya ako natuto akong mag-IV, natuto akong magsara ng abdomen kasi pagclose mo yung doctor nakitang masipag ka “tere would you want to try” sabi ko “yes, doctor I want to try” kasi kung minsan ang OR theater manonood yung mga relatives di ba? Pagnakita niyang wala ng audience kasi closing pagsarado na pagclose mo na yung doctors at may trust na sa iyo... nalamang may iniciative ka that you really what to learn bibigyan ka ng chance... chance na nagsara ako ng abdomen , meron yung time walang doctor talaga manganganak kasi ng ORDR ang hawak namin yung manganganak na walang doctors ayaw akong babain kasi natutulog dahil pagod... so akong mag-isa kasi sa OR nung panahon namin isang duty, isang on call... yung on call hindi mo dapat gisingin kasi maghapon na siyang duty gigising lang yun paghindi mo na kaya ganon... kung baga may challenge... kasama ko lang si manong nakapagdeliver ako ng babies nakapagepisostomy ako... kapag masipag ka saka gusto mong matuto walang imposible... dun ako happy kaya lang sayang na sayang talaga hindi ko na mapractice.

KRISTINE: What experience you encountered that help you achieved your goals?

MS.MUTOC: Yung na nga yung naiwan akong mag-isa parang nachachallenge ka... kagaya nung ilang delivery na sunod sunod na ako lang mag-isa lalo na kung multigravid pagsinabing multigravid yung marami ng anak yung isang ire pa lang andyan na yung bata... nachachallenge yung cut mo yung cord... sterile mo yung ano ng mother... ako muntik na akong mabagsakan ng baby sa pail kasi nakalitotomy na ang pasyente... tinatali ko pa lang... pinuposisyon ko pa lang bulwak ang bag of water sumabog sa mukha ko hindi ko pa suot ang mask lasang “Balot”... you see yung mga experience mahirap pero masaya... yung baby ko nadeliver ko mag-isa you see... ang ano ko lang si manong... tapos malaki ang baby ko walang ano nasalo ko bago siya umano dun sa pail kasi pagbumagsak ng ganon Cerebral Hemorrhage lagot na naman ang lisensya mo... yun yung mga experience na hindi mababayaran ng pera.

KRISTINE: What advice can you impart to us nursing students to become successful?

MS.MUTOC: You should be hardworking, you should be dedicated and you should loved what you do. Kayo ba nagnursing kasi gusto ninyo o tinulak lang kayo o gusto niyo lang magabroad? Gusto niyo lang magabroad pero sa totoo lang syempre dapat una sa lahat dito muna sa bansa natin... okey lang na mangarap kayong magabroad just come back to serve the Philippines kasi kawawa naman mga kababayan natin yung iba ang nakakatanggap ang iba hindi sila naaalagaan... may mga magagaling na nurse kasi yung mga magagaling nandun na pinagsisilbihan ang iba... okey lang na pumunta kayo dun huwag niyo lang kakalimutan ang mga pilipino.

KATRINA: Ma’am, ano po ang difference ng hospital settings sa abroad saka dito?

MS.MUTOC: Ang hospital setting sa abroad yung napuntahan ko ang facilities yung tme na yun pagsurgery ang dressing namin spray lang imagine niyo yung plastic balloon na parang tranparent... ganon lang ang dressing dun spray lang samantalang dito sa OR during my time we have to betadine then plaster tapos igagauze mo ng makapal na makapal... tapos yung drapes dun disposable kasi mayayaman saka dun very abundant ang supply samaantalang dito bibilin natin pati pagnanganak dun libre ang pampers at saka feeding bottle. So ano wala na?

JAYSON: That’s it, mam thank you for your time.